Connect with us

Capiz News

Lolo patay matapos malunod sa ilog sa Maayon, Capiz

Published

on

Patay ang isang lolo matapos itong malunod sa ilog sa Brgy. Alayunan, Maayon, Capiz hapon nitong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Antonio Demandante, 71-anyos, residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report ng Maayon PNP, dakong alas-2 ng hapon nang nakita ni certain Mario Bornales ang biktima na tumatawid sa ilog pero makalipas lang ang nasa limang minuto ay hindi na niya ito nakita pa.

Palaisipan naman sa kaniyang anak kung papaano napunta ang biktima sa ilog dahil kumakain pa umano ito sa kanilang bahay nang siya ay umalis.

Tinatayang nasa dalawang kilometro ang layo ng kanilang bahay sa ilog kung saan nalunod ang matanda.

Isinugod pa ang lolo sa Bailan District Hospital sa bayan ng Pontevedra pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *