Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado sa kasong Qualified Theft s Dumarao, Capiz

Published

on

Isang 35-anyos na lalaki ang inaresto ng kapulisan sa kasong Qualified Theft sa Brgy. Nagsulang, Dumarao, Capiz.

Kinilala ang akusado na si Prodencio Solidarios, isang magsasaka, residente ng nasabing lugar.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Dumarao PNP sa pangunguna ng hepe nito na si PCpt. Jhon Almarino Bonior, at 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company umaga nitong Huwebes.

Inaresto ng kapulisan ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba at nilagdaan ni Judge Ignacio Alajar ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region Branch 18, Hall of Justice dito sa Roxas City nitong Abril 13.

Php40,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantala itong ikinulong sa Dumarao PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *