Connect with us

Capiz News

Top 8 Most Wanted Person ng Cuartero, Capiz sa kasong Rape arestado

Published

on

Arestado ang isang mister na Top 8 Most Wanted Person ng Cuartero, Capiz sa kasong Rape.

Kinilala ang akusado na si Edgar Lebris, 49-anyos, may-asawa, residente ng Brgy. Mainit, Cuartero.

Siya ay naaresto ng kapulisan sa Brgy. Quipot, Janiuay, Iloilo nitong umaga ng Miyerkoles sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba ni Faustino Valenzuela Roxas Jr., Acting Presiding Judge ng Branch 14, 6th Judicial Region dito sa Roxas City nito lang Abril 8.

Walang pyansa na itinakda ang korte sa nasabing kaso.

Ang operasyon ay ikinasa ng Curatero PNP sa pangunguna ni PLt. Achilles Fangco Jr. kasama ang mga tauhan ng Janiuay PNP, RID, PIU IPPO, 603rd RMFB6, at RMFB6 Batallion.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Cuartero PNP ang nasabing akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *