Connect with us

Capiz News

Governor Contreras naka-isolate matapos magpositibo sa COVID-19

Published

on

Nakaisolate ngayon si Governor Nonoy Contreras matapos muling magpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Gov. Contreras na matapos niyang malaman na positibo siya sa nasabing virus batay sa resulta ng kaniyang swab test ay agad itong sumailalim sa quarantine.

Nabatid na asymptomatic o hindi makitaan ng anomang sintomas ng virus ang lagay ng gobernador.

Ayon sa kaniya, naka-close contact ito ng isang nagpositibo sa COVID-19 nitong Huwebes, Abril 8, kaya agad itong sumailalim sa swab test.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na nagpositibo sa virus ang gobernador.

Pinasiguro niya na bagaman naka-quarantine siya ay tuloy parin ang pagbibigay ng tulong ng gobyerno probinsiyal sa mga nangangailangan ngayong may pandemya.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *