Connect with us

Capiz News

President Roxas, Capiz isinailalim sa surgical lockdown

Published

on

Isinailalim sa surgical lockdown ang bayan ng President Roxas, Capiz simula ngayong araw.

Ito ay matapos magpositibo sa COVID-19 ang 14 empleyado ng isang grocery store sa public market ng bayan.

Ang mga ito ay nagkaroon ng close contact sa tatlong katao na una nang nagpositibo sa nasabing virus.

Sampo sa kanila ay taga-President Roxas, dalawa ang mula sa Pilar, habang tig-iisa naman sa mga bayan ng Maayon at Pontevedra.

Isinailalim na sa isolation ang mga nagpositibo habang mahigpit namang ipinatutupad ang mga health protocols sa pamilihang bayan para maiwasan ang pagkalat ng nasabing virus.

Ilang kabarangayan din ang isinailalim sa surgical lockdown.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *