Connect with us

Capiz News

Laborer arestado sa patung-patong na kaso ng Rape sa Mambusao, Capiz

Published

on

Isang laborer ang inaresto ng kapulisan sa Mambusao, Capiz dahil sa patung-patong na kaso ng Rape sa bisa ng warrant.

Si Ruben Intras, 28-anyos, residente ng Sablogon, Passi, Iloilo, ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Mambusao at Tapaz PNP sa Brgy. Poblacion Proper tanghali nitong Huwebes.

Limang kaso ng Rape ang kinahaharap ng akusado. Walang pyansa ang mga kasong ito.

Isinerbe rin sa kaniya ng kapulisan ang warrant of arrest sa limang kaso ng paglabag sa section (B) ng Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Php200,000 ang pyansa sa bawat kasong ito.

Ang mga nasabing warrant of arrest ay nilabas at nilagdaan ni Judith Orendain-Tonogbanua ng Regional Trial Court Judge, Branch 20, Mambusao, Capiz nitong Abril 6.

Ang nasabing akusado ay pansamantalang ikinulong sa Mambusao PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *