Connect with us

Capiz News

Konsehal sa Maayon, Capiz patay matapos magpositibo sa COVID-19

Published

on

Patay ang isang konsehal sa Maayon, Capiz matapos magpositibo sa COVID-19.

Si Konsehal Jenifer Alovera, Liga ng mga Barangay President at Ex-Officio Member ng Sangguniang Bayan ng Maayon, ay binawian ng buhay habang ginagamot sa isang ospital sa Iloilo nitong Huwebes ng hapon.

Ayon kay Maayon Mayor Mon-mon Malapajo, nilagnat at nakaeksperyensiya ng malalang pag-ubo ang konsehal bago ito nagpunta sa Iloilo para sa importanteng lakad nitong mga nakaraang araw.

Nabatid na dalawang pribadong ospital na ang pinuntahan ng nasabing opisyal para magpagamot saka ito naadmit sa Roxas Memorial Provincial Hospital at kalaunan ay inirefer din sa ospital sa lungsod ng Iloilo.

Si Alovera ay Punong Barangay ng Poblacion Ilaya sa nasabing bayan.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *