Connect with us

Capiz News

19-anyos na most wanted person ng Jamindan PNP sa kasong Rape, arestado

Published

on

Arestado ang isang 19-anyos na alalaki na most wanted person ng Jamindan PNP dahil sa kaso ng Rape at Act of Lasciviousness.

Si John Carlo Vacaro, residente ng Brgy. Pangabat, Jamindan, ay naaresto ng kapulisan gabi ng Huwebes sa Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Siya ay inaresto ng Jamindan PNP sa bisa ng warrant of arrest sa dalawang bilang ng Rape. Walang pyansa ang mga kasong ito.

Sinerbehan din ang siya ng warrant of arrest sa tatlong kaso ng Act of Lasciviousness kung saan tig-Php18,000 ang pyansa sa bawat kaso.

Ang mga nasabing warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Judge Rommel Lacson Leonor nito lang Abril 7 sa Regional Trial Court 6th Judicial Region, Branch 21 sa Mambusao, Capiz.

Pansamantalang ikinulong sa Mambusao PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *