Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos malusot sa tulay na kawayan sa Roxas City, Capiz

Published

on

Isang lalaki ang natagpuang patay sa Brgy. Culasi, Roxas City na nakasabit sa isang tulay na kawayan.

Kinilala ang nasabing biktima na si Reynaldo Acat, 57-anyos, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Roxas City, tatawid sana ng tulay na kawayan ang residente na si Ricardo Caratao nang makita nito ang nakasabit na biktima sa nasabing tulay at wala nang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, aksidente umanong lumusot sa butas ang biktima sa nasabing tulay, nahimatay at binawian ng buhay.

Wala namang makitang foul play sa katawan ng biktima. Kumbinsido ang pamilya na purong aksidente ang nangyari matapos itong malusot sa tulay.

Nakatakdang isailalim sa post mortem examination ang katawan ng biktima para malaman ang tunay na sanhi ng pagkamatay nito.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *