Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos mahulog sa puno ng star apple sa Jamindan, Capiz

Published

on

Patay ang isang 56-anyos na lalaki sa Jamindan, Capiz matapos mahulog sa isang puno ng star apple o kaymito sa Brgy. Agcagay.

Kinilala ang biktima na si Antonio Ocate, residente ng nasabing lugar.

Batay sa report ng Jamindan PNP, umakyat umano sa puno ang nasabing biktima para mamitas ng mga bunga ng star apple para ibenta nang ito ay mahulog.

Sinasabing nabali ang sanga na inaapakan ng biktima at nahulog nasa 15 talampakan ang taas. Mabato umano ang nabagsakan ng lalaki.

Malubhang natamaan ang kaniyang dibdib at nabalian pa umano ng buto.

Isinugod pa ito sa rural health unit ng nasabing bayan pero dineklara ito ng doktor na dead on arrival.

Napag-alaman na nakipag-inuman kagabi ang nasabing biktima at posibleng may hang-over pa ito ng maganap ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *