Connect with us

Capiz News

Bilanggo nagbigti-patay sa loob ng kulungan sa Balasan, Iloilo

Published

on

ROXAS CITY, CAPIZ – Isang bilanggo ang patay matapos magbigti sa loob ng kulungan sa Balasan PNP Station sa Balasan, Iloilo.

Kinilala ito sa pangalang Danny Villariz, 43-anyos, residente ng Brgy. Dayhagan, Carles, Iloilo.

Batay sa imbestigasyon ng Balasan PNP, natagpuan nalang na nakabitay ang nasabing priso. Palaisipan pa sa mga otoridad kung bakit may nakatabong tuwalya sa kaniyang bibig.

Isinugod pa ito sa Jesus Colmenares District Hospital pero dineklara ng doktor na dead on arrival.

Nabatid na may kasong 2 counts of Rape ang nasabing lalaki dito sa syudad ng Roxas. Nahuli ito kamakailan sa Brgy. Gimamanay, Balasan, Iloilo matapos umanong magtago doon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Balasan PNP sa nasabing insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *