Connect with us

Capiz News

7 anyos na bata patay matapos malunod sa pool sa isang resort sa Sigma, Capiz

Published

on

Patay ang isang 7-anyos na batang lalaki matapos malunod sa pool sa isang resort sa Brgy. Amaga, Sigma, Capiz.

Kinilala ang nasabing biktima na si Aizel Deondo, residente ng Brgy. Lacaron, Dao, Capiz.

Nabatid na ang biktima kasama ang kaniyang pamilya ay nagpunta sa Capiz Paradise Resort sa araw ng Linggo ng Pagkabuhay at naligo.

Napansin umano ng caretaker ng pool na ang nasabing biktima kasama ang kapatid nitong lalaki na pumunta sa malalim na bahagi ng pool. Pinagsabihan niya ito na manatili lang sila sa kiddie pool area.

Ilang sandali lang, napansin na ni Mark Vincent na nakalutang na nakataob na sa tubig ang kaniyang kapatid. Agad namang tumulong ang mga miyembro ng pamilya at maging ang may-ari ng resort para lapatan ng CPR ang biktima.

Dinala pa ng mga rumespondeng tauhan ng Sigma Response Team ang nasabing biktima sa Gerardo Roxas Memorial Hospital sa Dao, Capiz pero dineklara rin ang bata na dead on arrival.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *