Connect with us

Capiz News

Lalaki patay matapos saksakin sa Mambusao, Capiz

Published

on

Patay ang isang lalaki sa Brgy. Bula, Mambusao, Capiz matapos siyang saksakin dakong alas-11:20 ng gabi nitong Huwebes Santo.

Kinilala ang biktima na si Alyas Paso Marcelino habang kinilala namang ang suspek na si Randy Gullen, 48-anyos, residente ng Brgy, Guintas sa Sigma, Capiz.

Ayon sa report ng Mambusao PNP, galing umano sa isang lamay ang dalawa. Habang nasa daanan ay nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo.

Dito bigla nalang bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima sa kaniyang dibdib tagos sa kaniyang likuran.

Isinugod pa sa Mambusao District Hospital ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay ayon sa doktor.

Pinaghahanap pa ng kapulisan ang suspek matapos na agad na tumakas kasunod ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *