Connect with us

Capiz News

Mister natagpuang patay sa kanilang bahay sa Panay, Capiz

Published

on

BABAE, NAGBIGTI PATAY GAMIT ANG SLING BAG photo

Isang mister ang natagpuang patay sa kanilang bahay sa Brgy. Jamul-awon, Panay, Capiz matapos magbigti.

Ayon sa report ng Panay PNP, nadiskobre ni Brgy. Kagawad Pedro Baraga at ng anak nito ang biktima na nakabigti sa loob ng kanilang bahay dakong alas-3:30 ng hapon ng Sabado.

Huling natagpuan ng kagawad ang biktima na buhay 10:30 ng umaga ng parehong araw. Tinawag pa umano niya ito pero hindi sumagot.

Naniniwala ang mga kamag-anak ng biktima na nagpakamatay ito dahil sa nararanasang depresyon dulot ng problema sa pamilya.

Hindi na dinala sa ospital ang lalaki sa paniniwala ng pamilya na patay na ito.

Walang senyales ng foul play na nakita ang mga otoridad sa bangkay ng biktima.

Sa mga nakakaranas ng depresyon, makipag-ugnayan lamang sa National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727). Hopeline PH 24/7 hotlines: 0917-558-4673 (Globe) 0918-873-4673 (Smart) 2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *