Connect with us

Capiz News

Mister patay matapos nagbigti sa loob ng bahay sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Patay ang isang mister matapos magbigti sa kanilang banyo ng kanilang bahay sa Brgy. Ameligan, Pontevedra, Capiz.

Nabatid na unang naabutan ng kaniyang ina ang nasabing lalaki na nakabigti na sa loob ng kanilang CR at wala nang senyales ng buhay dakong alas-7:00 ng umaga.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Pontevedra PNP, paniwala ng pamilya, posibleng nakaranas ng depresyon ang lalaki matapos maghiwalay sila ng kaniyang misis.

Palagi rin umanong binabanggit ng lalaki na magpapakamatay ito sa tuwing siya ay lasing.

NOTE: Kung may problema ka at gusto mo ng kausap, maaari kang tumawag sa: National Center for Mental Health Crisis Hotline (NCMH-USAP) sa 0917-899-USAP (8727) o sa 7-989-USAP (8727). Hopeline PH 24/7 hotlines: 0917-558-4673 (Globe) 0918-873-4673 (Smart) 2919 (toll-free for Globe and TM)

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *