Connect with us

Capiz News

Pope Francis itinalaga si Cardinal Advincula, bilang bagong Arsobispo ng Maynila

Published

on

Itinalaga ni Pope Francis si Cardinal Jose Advincula na isang tubong Capiz bilang bagong Arsobispo ng Maynila.

Ang pagtatalaga sa Cardinal bilang ika-33 Arsobispo ng Maynila ay inanunsiyo ng Papa sa Rome, Italy dakong alas-7:00 ng gabi nitong Huwebes.

Pinalitan ni Advincula si Cardinal Luis Antonio Tagle na ngayon ay Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples na nakabase ngayon sa Rome.

Si Cardinal Advincula, 68-anyos, ay isinilang sa Dumalag, Capiz noong Marso 30, 1952. Dati itong naging obispo ng San Carlos, Negros Occidental.

Naging seminarista siya sa Saint Piuz X Seminary sa Lawaan, Roxas City at kalaunan ay nag-aral ng teolohiya sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Manila.

Siya ang kauna-unahang Cardinal mula sa Archdiocese of Capiz matapos italaga ng Santo Papa noong Nobyembre.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *