Connect with us

Capiz News

Most Wanted Person sa kasong Rape sa Roxas City, arestado

Published

on

Timbog ang isang most wanted person sa kasong Rape sa Brgy. Sibaguan Ilawod, Roxas City dakong alas-6:30 ng gabi nitong Miyerkoles.

Kinilala sa report ng kapulisan ang suspek na si Alden Alagon, residente ng nasabing lugar.

Ang operasyon ay ikinasa ng kapulisan ng Roxas City PNP kasama ang mga tauhang ng Crime Investigation and Dection Group (CIDG) Capiz sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Faustino Valenzuela Roxas Jr., Acting Presiding Judge, Regional Trial Court, Branch 14 dito sa Roxas City nito lang Marso 12.

Walang piyansa na itinakda ang korte para sa pansamantala nitong paglaya.

Ang nasabing akusado ay pansamantalang ikinulong sa Roxas PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *