Connect with us

Capiz News

Motorsiklo at tricycle nagbanggaan sa Roxas City; driver ng motor kritikal

Published

on

Malubha ang lagay ng driver ng motorsiklo matapos bumangga sa isang tricycle sa Brgy. Dingginan, Roxas City hapon ng Linggo.

Kinilala ang driver ng motorsiklo na si Felizardo Aperocho, 36-anyos, ng Sitio Ilawod sa nasabing lugar.

Nabatid na galing sa Roxas City proper si Aperocho nang mabangga nito ang kasalubong na tricycle na menamaneho ni Jhon Rey Betuya ng Dingle, Iloilo.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon si Aperocho sa kalsada at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo. Nabalian rin umano ito ng mga paa.

Agad na isinugod ang biktima sa ospital ng mga rumesponden mga tauhan ng Capiz Emergency Response Team (CERT).

Iniimbestigahan naman ng kapulisan ang aksidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *