Connect with us

Capiz News

Top 3 Most Wanted Person sa Aklan sa kasong Rape, arestado sa Roxas City, Capiz

Published

on

ROXAS CITY, Capiz — Arestado ang Top 3 Most Wanted Person ng Aklan Police Provincial Office na may kasong Rape sa Katipunan Village dito sa Roxas City, Capiz nitong umaga ng Biyernes.

Kinilala ang akusado na si Jose Dennis Fernandez alyas “Balot”, 54-anyos, isang construction worker, tubong Pilar, Capiz at residente ng Brgy. Liloan, Malinao, AKlan.

Ang akusado ay inaresto ng mga kapulisan sa bisa ng warrant of arrest sa pangunguna ng Aklan trackers team kasama ang mga tauhan ng Roxas City PNP at iba pang unit ng pulisya sa Aklan at sa Capiz.

Ang warrant ang inilabas at nilagdaan ni Bienvinido Barrios Jr., Presiding Judge, Branch 3, Regional Trial Court 6, Kalibo, Aklan Enero noong nakaraang taon.

Walang pyansang itinakda para pansamantalang makalaya ang akusado.

Nasa kostudiya ngayon ng Aklan PNP ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *