Connect with us

Capiz News

Mga investment companies sa Capiz may ‘ultimatum’ hanggang Marso 31

Published

on

Binigyan ng hanggang Marso 31 ang mga “Cheif Executive Officer” ng mga investment companies dito sa Capiz na ibalik ang investment ng kanilang mga investor.

Ito ang sinang-ayunan sa pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan araw ng Miyerkoles kaugnay sa isyu ng hindi na pag-pay-out ng iba-ibang investment companies dito sa probinsya.

Nagkasundo ang Sanggunian, NBI-6, at Securities and Exchange Commision (SEC) na bigyan ng hanggang Marso 31 ang mga “CEO” na makapagpay-out sa kanilang mga investors.

Kapag hindi maibalik ng mga CEO ang pera sa kanilang mga investors sa itinakdang petsa, mahaharap ang mga ito sa legal na aksiyon ng mga kinauukulan.

Samantala, nabatid na may 17 na mga reklamo na ang naisampa sa NBI-6 laban kay Patroceño Don Chiyuto matapos hindi na nito naibalik ang kanilang investment na nasa Php28 million.

34 reklamo naman ang naisampa laban kay Junelyn Gregorio sa NBI6 matapos hindi na nito naibalik ang nasa Php961 million investment sa mga nagreklamo.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *