Connect with us

Capiz News

57 anyos na lalaki arestado sa kasong paglabag sa RA 9262

Published

on

Isang 57-anyos na lalaki ang arestado sa Brgy. Codingle, Dumarao, Capiz sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 o Anti-Violation Against Women and Children.

Kinilala ang suspek sa report ng Dumarao PNP na si Casildo Pagot y Batuigas, residente ng nasabing lugar.

Ang akusado ay inaresto ng kapulisan hapon ng Miyerkoles sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa Sec. 5(a) ng RA 9262.

Ang operasyon ay ikinasa ng Dumarao sa pangunguna ni PMaj. Larnel Frial, hepe, kasama ang mga tauhan ng 2nd Capiz Provincial Mobile Force Company.

Ang warrant ay inilibas at nilagdaan ni Judge Faustino Roxas, Jr. ng Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 14, Roxas City nitong Marso 4.

Php10,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantala itong ikinulong sa Dumarao PNP at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *