Connect with us

Capiz News

30-anyos na lalaki pinagtataga-patay sa bayan ng Dumalag

Published

on

Patay ang isang 30-anyos na lalaki matapos pagtatagain sa Brgy. San Rafael, Dumalag, Capiz gabi nitong Miyerkoles.

Kinilala ang nasabing biktima na si Niño Facularin, laborer, residente ng Brgy. San Rafael, Dumalag.

Sugatan rin si Ramel Biaco, 40-anyos, residente ng nasabing lugar matapos pagtatagain rin ng parehong suspek.

Kinilala naman ang suspek na si Ernan Fantinalgo Sr., 44-anyos, residente ng parehong lugar.

Ayon sa imbestigasyon ng Dumalag PNP, naghahapunan ang dalawang biktima sa loob ng kanilang bahay nang dumaan ang suspek at nagsasalita ng hindi maganda.

Lumabas ng bahay si Facularin na may bitbit na itak at sinundan at kinompronta nito ang suspek.

Sumunod rin si Biaco kay Facularin.

Umuwi umano ang suspek at pagbalik nito ay armado na ito ng itak. Agad niyang tinaga si Biaco na tinamaan sa kaniyang mukha at sa kaniyang kanang kamay.

Nakatakbo si Facularin sa palayan pero naabutan siya ng suspek at pinagtataga ito sa iba-ibang bahagi ng katawan hanggang sa mamatay.

Dinala sa ospital si Biaco. Habang pinaghahanap pa ng kapulisan ang suspek matapos tumakas kasunod ng insidente.

Pinaniwalaang dating alitan ang sanhi ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *