Connect with us

Capiz News

Motorista patay matapos madisgrasya sa Dumalag, Capiz

Published

on

aksidente sa motor photo

Patay ang isang motorista matapos madisgrasya sa Brgy. Sto. Angel, Dumalag, Capiz gabi ng Martes.

Kinilala sa report ng Dumalag PNP ang biktima na si Rex Castro, nasa legal na edad, may asawa, at residente ng Brgy. Poblacion sa nasabing bayan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, nakainom ang nasabing biktima nang maganap ang aksidente.

Binabaybay umano ng biktima ang kahabaan ng highway mula sa Brgy. Poblacion papuntang Brgy. Sto. Angel nang madisgrasya ito.

Nawalan umano ng kontrol sa menamaneho niyang motorsiklo ang nasabing lalaki at natumba ito sa konkretong kalsada.

Nagtamo ito ng sugat sa ulo at sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Isinugod pa ng mga rumespondeng tauhan ng Dumalag Rescue Team ang biktima sa Dao District Hospital pero dineklara rin itong dead on arrival ng doktor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *