Connect with us

Capiz News

Bahay sa Dumarao, Capiz nasunog

Published

on

Isang bahay sa Sitio Hansol, Brgy. Lawaan, Dumarao, Capiz ang nasunog nitong umaga ng Huwebes.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) – Dumarao, ang bahay ay pagmamay-ari ng 71-anyos na si Rebeca Dampong.

Batay sa kanilang imbestigasyon, pinaniniwalaang nagmula ang apoy sa isang kwarto ng naturang bahay.

Ayon sa salaysay ng apo ng may-ari, nakita nito na umusok ang isang cellphone habang naka-charge ito na posibleng pinagmulan ng sunog.

Nagtulongan naman ang mga kapitbahay na apulahin ang apoy hanggang sa makarating ang mga bombero.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente habang tinatayang aabot sa Php200,000 ang halaga ng pinsalang iniwan ng sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa nangyari.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *