Connect with us

Capiz News

Magsasaka arestado sa kasong Homicide sa Tapaz, Capiz

Published

on

Arestado ang isang magsasaka sa Brgy. San Nicolas, Tapaz, Capiz nitong Miyerkoles ng umaga dahil sa kasong Homecide.

Kinilala ang akusado na si Sonny Focbit y Magallanes, 25-anyos, residente ng Sitio Nag-uring, Brgy. Amgambulong, Jamindan.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Jamindan PNP sa pangunguna ni PMaj. Visto, hepe, sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay inilabas at nilagdaan ni Judith Orendain-Tonogbanua nitong Pebrero 23 sa Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 20 sa Mambusao, Capiz.

Php120,000 ang piyansa na itinakda ng korte para pansamantala itong makalaya.

Pansamantalang ikinulong ang suspek sa Jamindan PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *