Connect with us

Capiz News

Lalaki arestado sa kasong Murder sa Pontevedra, Capiz

Published

on

Isang lalaki ang inaresto ng kapulisan sa Brgy. Hipona, Pontevedra, Capiz dahil sa kasong Murder.

Kinilala ang akusado na si Ruchel Lumenario Beldia alyas Jeck o Jacky ng nasabing lugar.

Siya ay inaresto ng kapulisan sa pangunguna ng Pontevedra PNP nitong Lunes ng hapon sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba at nilagdaan ni Laurencio Amen Puto, Presiding Judge ng Regional Trial Court, 5th Judicial Region sa Naga City, Camarines Sur nitong Enero 8.

Pansamantalang ikinulong ang akusado sa Pontevedra PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *