Connect with us

Capiz News

23 anyos na lalaki nabangga ng truck sa Sigma, Capiz, patay

Published

on

Patay ang isang 23-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang mini-dump truck sa Brgy. Pari-an, Sigma, Capiz gabi ng Linggo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Leo Lutching, construction worker, residente ng Brgy. Oyong sa nasabing bayan.

Kinilala naman ang driver ng mini-dump truck na si Darius Andrade, 42-anyos, residente ng Brgy. Tawog sa parehong munisipalidad.

Ayon sa imbestigasyon ng Sigma PNP, tumatawid ng kalsada ang nasabing biktima nang mabangga ito ng mini-dump truck.

Nagtamo ng sugat sa iba-ibang bahagi ng katawan ang nasabing biktima.

Agad itong isinugod ng mga tauhan ng Sigma Response Team sa Mambusao District Hospital pero patay na ito nang makarating ayon sa doktor.

Nasa kustodiya ngayon ng kapulisan ang suspek at ang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *