Connect with us

Capiz News

Laborer nasaksak matapos salagin ang kutsilyo sa Roxas City

Published

on

Isang laborer ang nasaksak matapos salagin ang kutsilyo ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na gusto sanang saksakin ang isang indibidwal.

Kinilala ang biktima na si Daniel Paul Villaruz, 26-anyos, residente ng Brgy. Punta Tabuc, Roxas City.

Naganap ang insidente madaling araw nitong Linggo sa Hermano Subdivision sa nasabing barangay.

Ayon sa inisyal na report ng kapulisan, nasa loob ng kaniyang bahay ang nasabing biktima nang makarinig ito ng kaguluhan sa main road.

Lumabas umano siya at nakita nito ang suspek na bumunot ng kutsilyo sa kaniyang baywang at sasaksakin sana si CJ Alba pero sinalag niya ito ng kaniyang kanang kamay.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima habang inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilalan ng suspek.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *