Connect with us

Capiz News

Sekyu na na taga-Dumalag, Capiz arestado sa Iloilo

Published

on

Isang sekyu na taga-Dumalag, Capiz na wanted person ang inaresto ng kapulisan sa Brgy. Tanza, Baybay, Iloilo City nitong Biyernes ng umaga.

Si Teody Alvarez, 30-anyos, residente ng Brgy. Dolores, Dumalag, Capiz ay nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injury.

Siya ay inaresto ng Dumalaga PNP sa bisa ng warrant of arrest sa pangunguna ni PMaj. Leomindo Tayopon, hepe.

Ang warrant ay nilagdaan at ibinaba ni Regina Galang-Guarin, Presiding Judge, 6th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 30, sa Iloilo City nito lang Enero 12.

Php30,000 ang itinakdang pyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa Dumalag PNP Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *