Connect with us

Capiz News

Driver patay matapos saksakin sa Roxas City

Published

on

Patay ang isang driver matapos sinaksak sa New Road, Brgy. Banica, Roxas City.

Kinilala sa report ng kapulisan ang biktima na si Lemuel Mangao, 40-anyos, habang ang suspek ay si Rey Denola, 53, parehong mga residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Roxas City PNP, nasaksikhan umano ni Nestor Albances ang insidente.

Aniya, sumigaw umano ang biktima ng “Hai Nano?” nang agad na kumuha ng kutsilyo ang suspek at sinaksak ang biktima.

Tinamaan sa kaliwang bahagi ng kaniyang dibdib ang biktima.

Agad siyang isinugod sa Centrum District Hospital para gamotin pero hindi na umano ito umabot ng buhay ayon sa doktor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *