Connect with us

Capiz News

Php450K halaga ng ‘shabu’ narekober sa buy bust operation sa Roxas City

Published

on

Aabot sa Php450K halaga ng ‘shabu’ ang mga narekober ng operatiba sa isang buy bust operation nitong umaga ng Huwebes sa Sitio Carmel, Brgy. Banica, Roxas City.

Kinilala ang suspek na si Cyrus Adonis y Diaz, 39-anyos, may asawa, residente ng nasabing lugar at isang pintor.

Ang mga narekober ay 12 piraso ng sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, Php15,000 buy bust money, at isang cellphone.

Narekober rin ng kapulisan ang iba-ibang drug paraphernalia mula sa suspek.

Ang operasyon ay ikinasa ng mga tauhan ng PDEU CAPIZ sa pangunguna ni PMaj. Francisco Paguia at ng Roxas City PNP sa superbisyon ni PLtCol. Ricardo Jumuad Jr., hepe

Nasa 51 gramo ang mga narekober na ‘shabu’ ng kapulisan mula sa suspek.

Nakakulong ngayon si Adonis sa Roxas City PNP. Mahaharap siya sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *