Connect with us

Capiz News

9 anyos na batang babae patay matapos malunod sa ilog sa Panay, Capiz

Published

on

nalunod graphics

PANAY, CAPIZ – Patay ang isang 9-anyos na batang babae matapos malunod sa ilog sa Brgy. Candual, Panay, Capiz.

Kinilala sa report ng Panay PNP ang biktima na si Sofia Bajada, Grade 4 pupil, residente ng naturang lugar.

Batay sa inisyal na report ng Panay PNP, naganap ang insidente hapon nitong Martes kung saan naligo ang biktima kasama ang isa niyang ate at apat na iba pa, nasa 50 metro ang layo sa likod ng kanilang bahay.

Ayon sa ate nito na si Cathleya, napunta umano sa malalim na bahagi ng ilog ang nasabing biktima. Agad umano niya itong sinaklulohan at dinala sa mababaw na bahagi ng ilog.

Sa kabila nito, nalunod parin ang biktima dahil sa malakas na agos ng tubig dagdag pa na hindi umano ito marunong lumangoy.

Dinala pa ito sa St. Anthony College Hospital pero hindi na umabot pa ng buhay ayon sa doktor.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *