Connect with us

Capiz News

19 anyos na lalaki arestado sa kasong Rape sa Tapaz, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 19-anyos na lalaki sa kasong Rape sa Brgy. Agcococ, Tapaz, Capiz.

Kinilala ang akusado na si John Famucol, laborer, residente ng naturang lugar, at isang top most wanted person ng Tapaz.

Siya ay naaresto ng mga tauhan Tapaz PNP sa pangunguna ni PMaj. Cherryl Visto, hepe, nitong Lunes ng umaga sa bisa ng warrant arrest.

Maliban sa kasong Rape, sinerbehan rin ng warrant of arrest ang akusado sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”

Walang piyansa ang kasong Rape habang Php200,000 naman ang itinakda ng korte sa kaniyang kasong paglabag sa RA 7610.

Ang mga warrant of arrest ay ibinaba at nilagdaan ni Judge Rommel Leonor ng Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 21 sa Mambusao, Capiz.

Pansamantalang nakakulong sa Tapaz PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *