Connect with us

Capiz News

48 anyos na lalaki arestado sa kasong Frustrated Murder sa Dumalag, Capiz

Published

on

Arestado ang isang 48-anyos na lalaki sa Brgy. Poblacion, Dumalag, Capiz sa kasong Frustrated Murder nitong umaga ng Lunes.

Kinilala sa report ng Dumalag PNP ang akusado na si Jessie Lovariza, laborer, residente ng Brgy. Duran sa nasabing bayan.

Siya inaresto ng mga tauhan ng Dumalag PNP sa pangunguna ni PMaj. Leomindo Tayopon, hepe, sa bisa ng warrant of arrest.

Ang warrant ay ibinaba ni Judith Orendain-Tonogbanua, presiding judeg, 6th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 20 nitong Pebrero 1.

Php200,000 ang piyansang itinakda ng korte para sa kaniyang pansamantalang paglaya.

Pansamantalang ikinulong sa Dumalag PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *