Connect with us

Capiz News

5-anyos na batang lalaki, patay matapos malunod sa Libas Fishing Port

Published

on

Patay ang isang 5-anyos na batang lalaki matapos malunod sa Libas Fishing Port dito sa Roxas City dakong alas-7:00 nitong umaga ng Biyernes.

Kinilala ang nasabing bata na si Mark Casabuena alyas Sungi, isang Person with Disability.

Ayon sa panayam ng Radyo Todo sa ina ng bata na si Mylene iniwan umano niya ang bata sa isang computer shop para gumawa ng mga gawain sa bahay.

Binigyan pa nga raw ng nanay ang kaniyang anak ng fried chicken at 10 peso para hindi umalis sa computer shop.

Pero kalaunan, hindi namalayan na umalis na ang bata sa computer shop at nadulas ito habang tumatawid sa bangka sa tabing dagat.

Hindi umano pinansin ng mga tao ang bata dahil sa paniniwalang marunong naman itong lumangoy pero kalaunan ay nalunod matapos mapunta sa malalim na bahagi.

Agad na sumaklolo ang mga nasa bangka at inihaon sa dagat ang bata.

Isinugod pa ito ng mga rumespondeng tauhan ng Capiz Emergency Response Team (CERT) pero binawian rin ng buhay habang ginagamot sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Nabatid na nasa laot pa ang ama nito para mangisda nang maganap ang insidente.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *