Connect with us

Capiz News

2 lalaki arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City, Capiz

Published

on

Timbog sa isang buy bust operation ang dalawang lalaki sa Brgy, Baybay Roxas City, Capiz nitong umaga ng Huwebes.

Kinilala sa report ng Roxas City PNP ang mga suspek na sina Andrew Patiño, 44-anyos, residente ng Hughe St., Brgy VI sa lungsod na ito at Ramon Treyes, 51, laborer, residente ng Talisay, Negros Occidental.

Narekober ng mga otoridad ang limang sachet ng pinaghihinalaang shabu, isang cellphone, Php3,000 buy bust money, isang weighing scale, improvised totter, mga bundle ng small transparent plastic sachet, at isang black sling bag.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Capiz at ng Roxas City PNP.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Roxas City PNP Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *