Connect with us

Capiz News

52 anyos na lalaki tinaga ng kainuman sa Brgy. Liong, Roxas City

Published

on

Isang 52-anyos na lalaki ang sugatan matapos tagain ng kaniyang kainuman sa Brgy. Liong, Roxas City.

Kinilala ang biktima na si John Pen y Doctora, isang laborer habang ang suspek ay kinilala naman na si Jemme John Alba y Perra, 37, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigasyon ng Roxas City, nag-iinuman ang biktima gabi ng Martes sa bahay ng kaniyang brother in law nang dumating ang suspek at nakipag-inuman sa kanila.

Nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang dalawa dahilan para umuwi saglit ang suspek at pagbalik nito ay may dala na itong itak at tinaga ang biktima.

Nagtamo ng dalawang taga sa balikat ang biktima, isang taga sa kaniyang likuran at isang sugat ng pananaksak.

Agad na isinugod sa isang pribadong ospital ang biktima habang sumuko naman sa kapulisan ang suspek.

Nakakulong ngayon sa Roxas City PNP Station ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *