Connect with us

Capiz News

7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City

Published

on

Arestado ang pitong babae matapos mahuli sa aktong nagmamajong at nagto-tong-its sa Sitio Luyo, Bry. Culasi, Roxas City dakong alas-5:00 ng kahapon, Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina Rosalie Rubio, 48-anyos, Marlyn Moleño, 60, Elvira Candelario, 52, Ailyn Erandio, 41, Viviana Dequito, Ma. Riza Escoban at Michelle Rosel, mga residente ng nasabing lugar.

Narekober sa mga ito ang Php1,452 taya sa Mahjong, Php320 sa Tong-its, cellphone at mga baraha.

Ang operasyon ay ikinasa ng Provincial Anti-Criminality Team ng Provincial Police Office at ng Roxas City Police Station.

Nasa kostudiya na ng Roxas City PNP ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *