Connect with us

Capiz News

4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz

Published

on

Arestado ang apat na kalalakihan matapos mahuling sangkot sa iligal na pagsasabong sa Brgy. Sta. Fe, Pilar, Capiz dakong alas-10:30 ng Linggo.

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Catalan, 49-anyos, Joel Vergara, 40, William John Cordova, 30, mga residente ng Brgy. San Nicolas  at Jomar Villar, 46, residente ng Brgy. Casanayan sa nasabing bayan.

Ang mga nasabing suspek ay naaresto sa gambling operation na kinasa ng Pilar PNP sa superbisyon ni PCpt. Rene Hare, hepe.

Narekober mula sa mga suspek ang ilang panabong na manok.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 ang mga nasabing suspek na temporaryo ngayong nakakulong sa Pilar PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *