Connect with us

Capiz News

19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan

Published

on

Patay ang isang 19-anyos na lalaki matapos bumangga ang menamanehong motorsiklo sa isang Toyota Hi-Lux sa Brgy. Tanza Norte, Panay.

Kinilala ang namatay na si Jay-R De Felix, residente ng Brgy. Balijuagan, Roxas City.

Sugatan naman ang mga angkas nito na isang 14-anyos, residente ng Brgy. Bato, Panay pati na ang driver ng Hi-Lux na si Joebert Toledo, 42, residente ng Balasan, Iloilo.

Naganap ang aksidente araw ng Sabado matapos umapaw sa linya ang motorsiklo dahilan para bumangga sa kasalubong nitong sasakyan.

Isinugod ang mga biktima sa sa ospital pero binawian rin ng buhay ang driver ng motorsiklo habang ginagamot dahil sa malubhang sugat na tinamo nito sa kanyang katawan.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *