Capiz News
51 anyos na babae arestado sa kasong Estafa

Published
4 weeks agoon

Arestado ang isang 51-anyos na babae sa Pueblo de Panay, Bry. Lawaan, Roxas City, Capiz hapon ng Biyernes sa kasong Estafa.
Kinilala ang akusado na si Maridol Areglado y Torres, residente ng Brgy. Poblacion, Jamindan, Capiz.
Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Roxas City PNP, Highway Patrol Group, at Capiz MARPSTA sa bisan ng alias warrant of arrest.
Ang warrant ay ibinaba ni Marie Rose Inocando-Paras, Judge, RTC , 7th Judicial Region,Branch 42, Dumaguete City noong Hulyo 2018.
Nahaharap sa kasong Estafa through falsification of commercial document ang akusado.
Itinakda ng korte ang Php40,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Pansamantalang ikinulong sa Roxas City PNP Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.
You may like
-
36 anyos na babae arestado sa pagtutulak ng iligal na droga sa Roxas City
-
7 babae arestado dahil sa pagsusugal sa Roxas City
-
19 anyos na lalaki patay matapos bumangga ang motorsiklo sa isang sasakyan
-
4 lalaki arestado sa iligal na pagsasabong sa Pilar, Capiz
-
21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz
-
Bahay ng CEO ng isang investment scheme sa Roxas City pinagbabaril