Connect with us

Capiz News

21 sachet ng ‘shabu’ narekober sa isang drug suspect sa Pontevedra, Capiz

Published

on

ROXAS CITY — Kalaboso ang isang 40-anyos na lalaki sa Brgy. Ilawod, Pontevedra, Capiz sa isang drug buy bust operation hapon ng Huwebes.

Kinilala ang suspek na si Glen Cabrera, residente ng Brgy. San Juan sa nasabing bayan pero temporaryong nakatira sa Brgy. Ilawod.

Narekober ng mga otoridad sa operasyon ang 21 sachet ng pinaghihinalaang shabu, Php15 buy bust money, at isang cellphone.

Nabatid na ang suspek ay pang siyam sa priority target ng Provincial Police Office.

Napag-alaman na ang suspek ay dati nang nakulong noong 2015 dahil sa parehong kaso pero nakalaya noong 2018.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Pontevedra PNP sa pangunguna ni PMaj. Christopher Candelario at ng Provincial Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni PMaj. Francisco Paguia.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang nasabing suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *