Connect with us

Capiz News

Bahay ng CEO ng isang investment scheme sa Roxas City pinagbabaril

Published

on

ROXAS CITY — Pinagbabaril ng mga hindi pa malamang mga suspek ang bahay ng CEO ng isang investment scheme sa San Jose Ville, Brgy. Tiza sa lungsod na ito.

Ayon sa ilang mga residente, nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril kaninang madaling-araw sa bahay ni Junelyn Obamos Gregorio, ang sinasabing ulo ng “25-day double your money” scheme dito sa syudad.

Nabatid na narekober sa labas ng nasabing bahay ang pito na mga empty shells ng hindi pa malamang uri ng baril na posibleng ginamit sa pamamaril sa naturang bahay.

Nitong mga nakalipas na araw naging kontrobersyal si Gregorio matapos mahinto ang pagpi-pay-out nito sa kaniyang mga investors.

Ayon sa mga investors handa umano silang magsampa ng kaso laban kay Gregorio kapag hindi naibalik sa kanila mga nainvest nilang pera.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *