Connect with us

Capiz News

LSI lumabas sa quarantine facility para dumalo sa birthday party

Published

on

ROXAS CITY — Isang 26-anyos na Locally Stranded Individual ang naiulat na lumabas sa quarantine facility para dumalo ng isang birthday party sa Brgy. Burias, Mambusao, Capiz.

Nabatid na galing sa Metro Manila ang LSI na lalaki at dumating sa kanilang bayan Enero 29. Ikinuwarantin ito ng mga opisyal ng barangay sa birthing clinic sa nasabing lugar.

Subalit napag-alam ng mga opisyal ng barangay na dakong alas-7:00 ng gabi noong Enero 30 nang lumabas ito at umatend sa isang birthday party malapit sa kaniyang quarantine facility.

Bumalik umano ito sa kaniyang quarantine facility dakong alas-10:00 ng gabi kasama ang kaniyang kapatid at pinsan saka nag-inuman roon.

Pinaniniwalaang tumakas ang nasabing lalaki sa likurang bahagi ng facility matapos umalis ang mga tanod para maghapunan.

Humingi naman ng paumanhin ang LSI sa nangyari at nangakong hindi na uulitin ang ginawang pagkakamali.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *