Connect with us

Capiz News

Maglive-in partner na negosyante pinagbabaril patay sa Sigma, Capiz

Published

on

Patay ang isang maglive-in partner na negosyante sa Brgy. Mianay, Sigma, Capiz matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek.

Kinilala ang mga biktima na sina Rodrigo Nepomuceno, 55-anyos, at Randalia Sarona, 57, pawang mga residente ng nasabing lugar.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Sigma PNP, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga nitong Martes habang nasa kanilang tindahan ang mga biktima.

Nagtamo ng tama ng pagbaril sa iba-ibang bahagi ng katawan ang dalawa dahilan ng kanilang agarang pagkamatay.

Batay kay Kagawad Vicente Estebes, matapos makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril, lumabas ito ng kaniyang bahay at nakita umano niya ang isang armadong tao na nakasuot ng itim na jacket at bonet habang tumatakbo sa isang Toyota Innova.

Matapos makasakay ay mabilis umanong umalis ang sasakyan sa lugar.

Narekober naman ng mga tauhan ng SOCO ang 13 empty fired cartridges, isang fired bullet, anim na deformed fired bullets sa crime scene.

Narekober din ng mga otoridad ang 11 sachets na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu sa body bag ng lalaking biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng kapulisan sa insidente at sa pagtukoy sa mga suspek.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *