Connect with us

Capiz News

Engineer na top most wanted person sa Roxas City arestado sa Negros Occidental

Published

on

Arestado ang isang engineer na top most wanted person sa Roxas City sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Si Julius Marfil, 48-anyos, isang Municipal Engineer 1, ay naaresto ng mga otoridad sa kanilang residensya sa Purok Mabuhay II sa Toboso, Negros Occidental.

Siya ay inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Roxas City PNP, CIDG Capiz, at Tapaz PNP, sa bisa ng order of arrest umaga nitong Miyerkoles.

Ang akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec.5, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang order of arrest ay inilabas at nilagdaan ni Esperanza Isabel E. Poco-Deslate, Judge, RTC, Branch 19, Roxas City noon pang Setyembre 2011.

Walang pyansa ang kaniyang kaso.

Temporaryo itong nasa kustodiya ng Roxas City PNP Station para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *