Connect with us

Capiz News

5 lalaki arestado dahil sa iligal na pangingisda sa Ivisan, Capiz

Published

on

Arestado ang limang lalaki sa Brgy. Balaring, Ivisan, Capiz dahil sa paggamit ng “likos” sa pangingisda ng walang kaukulang permit.

Kinilala ang mga nahuli na sina Ramonito Maravilla, 37-anyos, boat captain, at mga kasama nito na sina Arjay Medina, 21; Eljun Del Rosario, 25; Arjan Molina, 44; at Jomarie Nuñal, 27, mga residente ng Brgy. Culasi, Roxas City.

Kinilala naman ang may-ari na si Charlie Rufino, residente rin ng Brgy. Culasi.

Ayon sa report ng Ivisan PNP, inaresto ng mga tauhan ng Bantay Dagat ang mga nasabing lalaki matapos mahuling iligal na nangingisda sa Brgy. Balaring gamit ang “likos”.

Ang likos ay ipinagbabawal sa Section 43 and 54 ng Municipal Ordinance number 3 series of 2012 ng Ivisan.

Dinala ang mga nahuli sa opisina ng Municipal Agriculture’s Office para sa kaukulang disposisyon.

Tinataya namang Php500,000 ang mga nakumpiskang fishing gear at mga paraphernalia.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *