Connect with us

Capiz News

Mister patay matapos mag-inom ng lason sa daga sa President Roxas, Capiz

Published

on

Patay ang isang mister sa Brgy. Pantalan, President Roxas, Capiz matapos mag-inom ng lason sa daga araw ng Lunes.

Ayon kay Punong Barangay Kenneth Fabros sa panayam ng Radyo Todo Capiz, mismong ang mister pa ang nagsabi na nag-inom ito ng lason.

Isinugod pa ito sa Bailan District Hospital pero binawian rin ng buhay habang ginagamot roon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kapitan, problema sa pamilya ang sinasabing dahilan ng pagpapakamatay ng mister.

Mayroon umano itong tatlong anak at nagtatrabaho bilang icecream vendor at kung minsan ay bumibiyahe ng tricycle.

Kumbinsido naman ang pamilya na walang foul play sa pagkamatay ng lalaki.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *