Connect with us

Capiz News

Provincial Government nagdonate ng Php2-M para sa konstruksyon ng UP Capiz Campus

Published

on

Nagdonate ng Php2 million worth of cheque ang Provincial Government of Capiz para sa konstruksyon ng University of the Philippines Capiz Campus.

Ang turn-over ceremony ay isinagawa araw ng Linggo sa isang lote sa Pueblo de Panay, Roxas City kung saan itatayo ang nasabing eskwelahan.

Ang cheque ay personal na ibinigay ni Gov. Nonoy Contreras kina Victoria Ong Banzon, Board of Directors ng UP Alumni Association Capiz Chapter kasama si dating Gov. Vic Tanco, Presidente ng nasabing asosasyon.

Nagbigay rin ng Php50,000 donasyon si Board Member Victor Tanco Jr. para rin sa konstruksyon ng gusali.

Samantala, ang lote na pagtatayuan ng eskwelahan ay donasyon naman mula sa Pueblo de Panay Township.

Lubos naman ang pasasalamat ni dating Gov. Tanco kay Gov. Contreras sa suporta nito sa plano ng kanilang asosasyon na makapagpatayo ng UP-Capiz Campus.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *