Connect with us

Capiz News

Motorsiklo nasunog sa bayan ng Dumarao habang menamaneho

Published

on

Isang motorsiklo ang nasunog habang menamaneho sa kalsadahin sa Brgy. Aglalana, Dumarao, Capiz araw ng Lunes.

Ang Kawasaki Rouser ay menamaneho ni Edwin Kristopher Santiago, 24-anyos, isang kolektor, residente ng Barotac Nuevo, Iloilo.

Napag-alaman na pabalik na sana ang driver sa kanilang opisina sa Passi sakay ng kaniyang motorsiklo nang mapansin nitong nagliyab ang spark plug ng motorsiklo.

Dali-dali naman itong bumaba sa motorsiklo. Sinubukan pa niyang patayin ang apoy gamit ang kaniyang jacket pero nasunog rin ito pati ang buong motorsiklo.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection Dumarao para apulahin ang apoy. Rumesponde rin sa lugar ang mga tauhan ng Dumarao PNP.

Maswerteng hindi naman nasugatan ang driver.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *